All the world is a stage [world is a stage]
And everyone has their part [has their part]
But how was I to know which way the story'd go
How was I to know you'd break
[You'd break, you'd break, you'd break]
You'd break my heart
I've always been in love with you
[I've always been in love with you]
Guess you've always known
You took my love for granted, why oh why
The show is over, say good-bye
(chorus)
Say good-bye [bye bye], say good-bye
Say good-bye
------------
Astro by Radioactive sago project
Para sa tunay na lalaki
Para sa tunay na lalaking hindi natatakot
Para sa tunay na lalaking hindi natatakot tumalon sa
Bangin
Para sa tunay na lalaking lumalangoy sa salamin
Swabe at mabango
Wag nang mag atubili
Bumili na kayo
Eto na ang totoo
Eto na ang totoo
Para sa tunay na lalaking lumilipad at lumulutang
Para sa tunay na lalaking nagsi swimming sa kalawakan
Para sa tunay na lalaking kumakanta at niroromansa ang
Buwan
Para sa tunay na lalaking kumakain ng kuwan
Swabe at mabango
Wag nang mag atubili
Bumili na kayo
Eto na ang totoo
Eto na ang totoo
Dahil eto na
Eto na ang
Astro
Astro cigarette
Astro
Astro cigarette
Pagkatapos mong kumain magyosi ka
Pagkatapos mong magyosi matulog ka
Mahimbing ka, managinip ka
Mangarap ka, lumipad ka
Kagabi napanood ko sa tv
Ang aking paboritong artista
Ang idol ko
Ang sabi nya sakin
Bumili ka ng astro cigarettes
Nagbebenta siya ng ilusyon
Nagbebenta siya ng panaginip
Nagbebenta siya ng pangako
Pangakong lumulutang na parang usok
Na galing sa isang malupit
At mabango at swabeng-swabe
At umaapoy na astro cigarettes
Swabe at mabango
Wag nang mag atubili
Bumili na kayo
Eto na ang totoo
Eto na ang totoo
Isang araw sa palengke
Sa dumaguete nakakita ako
Ng astro cigarettes
Bumili ako ng isang pakete
Sumakay ng tricycle
Papunta sa buwan at nagsindi
Nagsindi, nagrelax, nag enjoy
Hinithit ang ang isang buong pakete
Binuksan ang mata
At nagdancing dancing sa ibabaw ng mga planeta
Swabe at mabango
Wag nang mag atubili
Bumili na kayo
Eto na ang totoo
Eto na ang totoo
Dahil eto na
Eto na ang
Astro
Astro cigarette
Astro
Astro cigarette
Let's go!
Eto na ang
Astro
Astro cigarette
Astro
Astro cigarette...
-----------
Alaala ni batman by Radioactive sago project
Ano ba yun…
Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun.
Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala
rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Moreno
nun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang una
kong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito." sabi ko sa sarili
ko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang
kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero
hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang
gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang
galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh.
Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong
nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot
and Friends at saka That's Entertainment. Pero ako, isa lang talaga
ang gusto kong panoorin – siya ring na idol na idol na idol na idol
ko talaga (Idooool!).
Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di
bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang
relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi
ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay
na Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman.
Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo,
sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na
mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong
binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ng
Batmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili mo
naman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun,
at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang
ticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak-
tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng
tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.
At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglaho
mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking
kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na
aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at
kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na
ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mga
kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan pero
yun pala'y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na
mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang
suweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mga
hinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na
matiis. Hindi ko na kaya.
Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko
na kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak.
Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula!
Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na sa
tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap ng
hangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay!
Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapit
na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad!
Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka!
Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga
kamay!
Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman,
diba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman pala
lumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal.
Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo sa
tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning,
paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, Aling
Tekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yung
sukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba-
bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo…
-------------
Gusto ko ng baboy by Radioactive sago project
Yeah! Radioactive Sago Project's in the house!
Let's go!
Babeh!
We're gonna bring it down
C'mon, c'mon
Eto na, pare
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
Alam n'yo, bata palang ako mahilig na talaga ako sa baboy.
Lagi ako nagpapabili sa nanay ko ng baboy.
Sabi ko, "Ma, bili mo ako ng baboy. Yung cute. Yung pink. Yung maliit. Yung may ribbon sa leeg."
Sabi ng nanay ko, "Bakit mo gusting magpabili ng baboy, anak?"
Sabi ko, "Dadalin ko sa eskwela. Kasi nay, lahat ng tao mahilig sa baboy. Malay mo, pag nakita ng teachers ko yung baboy, matuwa sila kasi gusto nila ng baboy eh. Baka bigyan pa ako ng mataas na grado."
Sabi ng nanay ko, "Hindi mo pwede dalhin ang baboy sa eskwela, anak! Baka magkalat lang yan dun."
Sabi ko, "Nay, hindi mo ako naiintindihan.Buo ang loob ko, dadalin ko sa es-kwe-la."
Kaya
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
Kaya, nung lumaki na 'ko, hindi parin nawala ang hilig ko sa baboy.
Palagi ako nagtratrabaho para makabili ng baboy.
Minsan nga, nagagalit na sa akin yung asawa ko dahil puro baboy, baboy, baboy na lang daw ang nasa utak ko.
Sabi niya, "Walanghiya ka, puro ka na lang baboy, baboy, baboy, ang payat-payat mo naman!"
Sabi ko, "Walanghiya ka rin, hindi mo 'ko naintindihan. Baboy ang kailangan ng katawan ko. Baboy ang kailangan ng katawan mo. Baboy ang kailangan ng katawan nating lahat. Hindi mo ba alam, ang nagpapatakbo ng mundo ay baboy, baboy, baboy. Hindi mo ba alam, Diyos mo ay baboy. Baboy. Tama. Diyos natin ang baboy."
Kaya
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. Gustong gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
Let's sow.. (2x)
Kaya
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gustong,
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. Gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. Gustong gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
'Lam n'yo, maraming klaseng baboy sa mundo.
May baboy na maliit, may baboy na medium-size, may baboy na extra large, pero kahit anong gawin nila, baboy pa rin sila.
Pare-pareho lang mga baboy na yan.
Kahit anong sukat.. may baboy na dilaw, may baboy na asul, may baboy na pula, may baboy na puti, may baboy na pink, may baboy na green, may baboy na violet, may baboy na orange, pero kahit anong kulay mga yan, baboy pa rin ang mga yan!
May baboy na matalino, may baboy na bobo, may baboy na macho.
May baboy na seksi, may baboy na bakla, may baboy na mahirap, may baboy na mayaman.
Mas baboy ka pag mayaman ka. may baboy na businessman, may baboy na musikero, may baboy na makata, may baboy na basketball player, may baboy na baranggay tanod, may baboy na konsehal, may baboy na mayor, may baboy na congressman, may baboy na pulis, may baboy na teacher na nagtuturo ng kung anu-anong klaseng kababuyan.
Kaya wala na tayong magagawa, wala na tayong magagawa.
Napapaligiran tayong lahat ng baboy!
Teka, pag-isipan natin 'to!
Baka, ako baboy, siya, baboy.
Ikaw, baboy. 'yun, baboy.
'Di kaya... BABOY TAYONG LAHAT!
Kaya
Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy,
Ayoko na ng ba, ba, baboy, biik,
Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy,
Ayoko na ng ba, ba, baboy man!
-----------------------------------------
kelan ko lang na-realize na ang galing pala ng radioactive sago project, they are so amazing. at first, i didn't pay much attention to them because i thought that their music was weird because it really is, well not exactly weird but different from the others. but when i listened carefully to the lyrics of the songs. i was like "OMG, ang galing nila!". the songs were like a combination of humor, sensibility and reality. ang galing. i love them.
the song by madonna struck me bacause it reminded me of the world, the society, a fake, a fraud. like what donna said to me back then, the masquerade we played. it's really hard to play a part that is not really you, we can't be different just for you. Yes, the world is a stage and everyone has a character to portray but it was never said that you can't chose which play to be in. you can be in be in macbeth, you can be in hamlet, you can be in romeo and juliet for all you know. what i mean is, you can always always choose a character which will be easy for you to portray which is YOURSELF. why wear a mask, and be a fool like the others when you can be barenaked with the people who accepts you for who you are. BAKIT PIPILIING MAGING PLASTIC EH MAS MAHIRAP NGA YUN. PARA SAKIN TANGA ANG MGA GUSTONG MAHIRAPAN.
wahahah, walng kwenta n nman ang mga sinasabi ko.
Currently watching: arirang news... wahahah
Currently feeling: wala lang